(video) Embahador ng Pilipinas sa Tsina, umaasang lalo pang mapapabuti at mapapatibay ang relasyong Pilipino-Sino

(GMT+08:00) 2020-06-09 10:10:40       CRI2020-06-09 10:10:41

Beijing – Ipinahayag kamakailan ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na hindi mapipigilan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang lalo pang pagbuti at pagtibay ng relasyong Pilipino-Sino.

Ang taong 2020 ay ang Ika-45 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Pilipinas at Tsina, at hinggil dito, sinabi ng embahador Pilipino na umaasa siyang magpapatuloy ang mga nasimulang mga proyekto at lalo pang bubuti ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Ulat: Rhio
Video: Wang Zixin