Video: Pangulong Tsino, naglakbay-suri sa Ningxia

(GMT+08:00) 2020-06-09 15:04:38       CRI2020-06-09 15:04:39

Sinimulan nitong Lunes, Hunyo 8, 2020 ang paglalakbay-suri ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa Rehiyong Awtonomo ng Ningxia.

Nang araw ring iyon, magkakasunod na bumisita siya sa Hongde Village ng Wuzhong City, bahagi ng Yellow River sa Wuzhong City, at Jinhuayuan community sa Jinxing Township, para alamin ang kalagayan ng pagpawi sa karalitaan at pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal sa kahabaan ng Yellow River sa lugar.

Ito ang kauna-unahang biyahe ni Xi sa labas ng Beijing, pagkaraang matapos ang dalawang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino.

Salin: Vera