Sinabi nitong Miyerkules, Mayo 10, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na kailanma'y hindi binhi ng diplomasya ng Tsina ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at hindi bihasa rito ang Tsina.
Kaugnay nito, isang ulat ang inilabas kamakailan ng Australian Strategic Policy Institute (ASPI), na nagsasabing sa pamamagitan ng ilang libong organisasyon, kinolekta di-umano ng ibat-ibang departamento ng Tsina ang mga impormasyon hinggil sa mga overseas Chinese community at ilang piling dayuhan, upang ma-isulong ang pansariling kapakanan ng panig Tsino.
Saad ni Hua, isiniwalat minsan ng personaheng Australian na nitong nakalipas na mahabang panahon, tumatanggap ng pondo ang ASPI mula sa pamahalaang Amerikano at mga arms dealer.
Aniya, ang ASPI ay magluto at magpalaki ng iba't ibang paksa kontra-Tsina, at malubhang pinagdududahan ng mga akademiko ang kredibilidad nito.
Salin: Vera