Mga proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Myanmar, napanumbalik na sa pamamagitan ng fast lane

(GMT+08:00) 2020-06-16 16:13:36       CRI2020-06-16 16:13:37

Isinalaysay nitong Lunes, Hunyo 15, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, bumalik na sa trabaho ang mga importanteng tauhan ng panig Tsino at Myanmar sa mga proyektong pangkooperasyon sa langis, natural gas, koryente at imprastruktura, sa pamamagitan ng fast lane. Ito aniya ay makakatulong sa kontruksyon ng ekonomikong koridor ng dalawang bansa at pag-unlad ng sarili nilang kabuhaya't lipunan.

Dagdag ni Zhao, mahigit 2,200 kilometro ang haba ng komong hanggahan ng Tsina at Myanmar. Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, pinahigpit ng kapuwa panig ang kooperasyon kontra pandemiya, at itinatag ang mekanismo ng magkasanib na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa purok-hanggahan. Hanggang sa kasalukuyan, walang pumasok o lumabas na kaso ng COVID-19 sa pagitan ng dalawang bansa.

Saad ni Zhao, upang mapasulong ang pagpapanumbalik ng operasyon at produksyon ng mga proyektong pangkooperasyon, inilunsad ng kapuwa panig ang fast lane, para ipagkaloob ang ginahawa sa pagpapalitan ng mahahalagang mga tauhan.

Salin: Vera