Sa High-level Video Conference on Belt and Road International Cooperation na idinaos ngayong araw, Huwebes, Hunyo 18, 2020, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpuksa ng COVID-19 pandemiya at pagpapasigla ng kabuhayan ay komong tungkulin ng mga bansang kalahok sa Belt and Road Initiative (BRI).
Para rito, iniharap ni Wang ang limang aspekto kung saan dapat palakasin ng mga bansang ito ang kooperasyon. Kabilang sa mga ito ay magkakasamang pagsasagawa ng mga tulong na programa; pagtutulungan sa pagdedebelop at paggamit ng bakuna; pagbuo ng mekanismo ng pagbibigay-ginhawa sa transnayonal na pagbiyahe ng mga tao at paghatid ng mga paninda; pangangalaga sa maalwang industrial chain, supply chain, at lohistika; at pagpapaunlad ng E-commerce.
Salin: Liu Kai