355.18 bilyong yuan RMB na puhunang dayuhan ginamit ng Tsina; pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa ng BR, lumaki

(GMT+08:00) 2020-06-19 15:01:15       CRI2020-06-19 15:01:16

Sa unang 5 buwan ng 2020 ginamit ng Tsina ang 355.18 bilyong yuan RMB na puhunang dayuhan. Mas mababa ito ng 3.8% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Bumaba ito ng 7 percentage points. Ngunit noong nakaraang Mayo, lumaki ng 7.5% ang paggamit ng Tsina ng mga puhunang dayuhan kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

Ang naturang estadistika ay isinapubliko Hunyo 18, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.

Umabot sa 396.27 bilyong yuan RMB ang pamumuhunan ng Tsina noong Enero hanggang Mayo sa 157 bansa at rehiyon ng daigdig at 3,570 kumpanyang dayuhan, na bumaba ng 1.6% kumpara sa gayong din panahon ng 2019.

Ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na napapanatili ang paglago ng pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa ng Belt and Road.

Salin:Sarah