Sa High-level Video Conference on Belt and Road International Cooperation na idinaos ngayong araw, Huwebes, Hunyo 18, 2020, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang mga ideyang isinusulong ng Belt and Road Initiative (BRI), na gaya ng pagsasanggunian, magkakasamang pagbibigay ng ambag, pinagbabahaginang kapakanan, at pagiging bukas, inklusibo't transparent, ay angkop sa tunguhin ng panahon.
Dagdag ni Wang, sa pamamagitan ng mga ideyang ito, dapat patingkarin ng BRI ang mas mahalagang papel, para sa pangangalaga sa globalisasyon at pagpapabuti ng pandaigdigang pangangasiwa.
Salin: Liu Kai