Sa High-level Video Conference on Belt and Road International Cooperation na idinaos ngayong araw, Huwebes, Hunyo 18, 2020, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na noong unang kuwarter ng taong ito, patuloy na lumaki ang halaga ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at mga bansang katuwang ng Belt and Road Initiative (BRI). Napanumbalik din aniya ang mga proyektong pangkooperasyon ng konstruksyon ng imprastruktura sa mga bansang ito.
Tinukoy ni Wang, na ang COVID-19 pandemiya ay hindi humahadlang sa kooperasyon ng BRI. Ipinakikita aniya nito ang resilience at vitality ng kooperasyong ito.
Salin: Liu Kai