Noong Hunyo, nasalanta ang Lalawigang Hubei ng Tsina ng limang beses na malakas na pag-ulan. Ayon sa pagtaya sa panahon ng departamentong meteorolohikal, magaganap sa Wuhan ang malakas na ulan at rainstorm sa susunod na mga araw.
Ayon sa inisyal na datos, 650,000 mamamayan sa mga lugar ng Hubei na gaya ng Yichang, Xiangyang at Jingmen ang naapektuhan ng kasalukuyang pag-ulan na nagsimula noong Hunyo 27.
Isinalaysay ni Peng Xuewen, Senior Engineer ng Tanggapan ng Kuwartel Kontra Baha at Tagtuyot ng Hubei, na bilang rehiyong grabeng apektado sa pandemiya ng COVID-19, pinaikli ang panahon para sa paghahanda kontra baha. Pero lubos na pinahahalagahan ng buong lalawigan ang gawain ng pagpigil sa baha, at isinagawa ang ilang di-regular na o di-nakagawiang hakbangin, upang pag-ibayuhin ang gawain laban sa baha.
Salin: Vera