Sa panahon ng Ika-99 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mataas na pinahahalagahan ng mga personahe mula sa iba't ibang bansa ang pamumuno at responsibilidad ng CPC.
Nang kapanayamin ng mamamahayag ng CMG, lubos na pinahahalagahan ni Sounthone Khanthavong, Puno ng Pambansang News Agency ng Laos, ang ideya at kakayahan ng pamamahala ng CPC na "unahin ang mga mamamayan."
Binabati ni Harish Chandra Shah, Tagapangulo ng Samahan ng Nepal sa Kulturang Tsino, ang kaarawan ng CPC. Pinapurihan niya ang dakilang bunga na natamo ng CPC sapul nang reporma at pagbubukas sa labas, at ang kakayahan ng pamamahala ng CPC at diwa ng pagsisikap ng mga mamamayang Tsino.
Ipinahayag ni Ei Sun Oh, Unang consultant ng Sentro ng Pananaliksik sa Pasipiko ng Malaysiya, na sa pamumuno ng CPC, natamo ng Tsina ang malalaking bunga sa pagpawi ng kahirapan.
Ipinahayag ni Meryem Brahimi, Dalubhasa sa mga isyung Tsino ng United Arab Emirates na sa mula't mula pa'y, pinauna ng CPC at pamahalaang Tsino ang kalusugan at buhay ng mga mamamayan, at pinapurihan ito ni Meryem.
Ipinahayag ni Victor Kot, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Argentina, na sa pamumuno ng CPC, natamo ng Tsina ang bunga sa iba't ibang larangan, at pinapurihan niya ito.
Salin:Sarah