Paghihigpit sa visa ng ilang Amerikano na nakiki-alam sa isyu ng Tibet, ipatutupad ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-07-09 16:32:19       CRI2020-07-09 16:32:20

Ipatutupad ng Tsina ang paghihigpit sa visa ng ilang Amerikano na hindi dapat nakiki-alam sa usapin ng Tibet.

Ipinahayag ito Hulyo 8, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Hinggil dito, isinapubliko kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na hihigpitan ng Amerika ang bisa ng mga mamamayang Tsino at mga kinauukulang opisyal ng Tsina, sa ilalim ng Reciprocal Access to Tibet Act.

Sinabi ni Zhao na maraming beses na solemnang ipinalabas ng Tsina ang paninindigan hinggil sa Reciprocal Access to Tibet Act.

Ang mga suliranin ng Tibet ay suliraning panloob ng Tsina, at walang anumang puwersang dayuhan ang may karapatang maki-alam sa usaping ito, diin ni Zhao.

Aniya, bukas ang Tibet, walang anumang regulasyon ang Tibet na nagbabawal sa mga tauhang dayuhan na pumunta rito.

Pero dagdag ni Zhao, dahil sa partikular na kalagayang heograpikal ng lugar, isinasagawa ng Tsina ang mga hakbangin ng pamamahala at pangangalaga sa mga tauhang dayuhan sa Tibet, at ito ay kailangan. Welkam na bumisita sa Tibet ang mas maraming dayuhan pero, kailangang sundin ang paunang kondisyon na pagsunod sa batas ng Tsina at kinauukulang regulasyon, at isakatuparan ang mga kailangang panuntunan, saad niya.

Salin:Sarah