Ayon sa ulat na inilabas kahapon, Lunes, ika-13 ng Hulyo 2020, ng Retail Group Malaysia (RGM), dahil sa epektong dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bumaba ng 11.4% ang sales volume ng tingiang pagbebenta noong unang kuwarter ng taong ito sa Malaysia.
Ayon pa rin sa ulat, bagama't may posibilidad na lumaki ang halaga ng tingian sa ika-3 at ika-4 na kuwarter, dahil sa pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhayan, tinatayang bababa pa rin ng 8.7% ang halagang ito sa buong taon. Ito ay magiging pinakamasamang kalagayan ng tingiang pagbebenta sa Malaysia nitong nakalipas na 33 taon, dagdag ng ulat.
Salin: Liu Kai