Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong unang hati ng 2020, bumaba ng 3.2%

(GMT+08:00) 2020-07-14 17:01:56       CRI2020-07-14 17:01:57

Ayon sa estadistikang inilabas Martes, Hulyo 14, 2020 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, 14.24 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalan ng paninda ng Tsina, at ito ay bumaba ng 3.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Kabilang dito, lumaki ng 4.3% ang pagluluwas noong Hunyo, at lumaki naman ng 6.2% ang pag-aangkat. Ito ang kauna-unahang paglaki ng kapuwa pag-aangkat at pagluluwas sa kasalukuyang taon kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Isinalaysay ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng nasabing administrasyon, na kabilang sa 10 pinakamalaking trade partner ng Tsina, pinakamaganda ang kalakalan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito ay salamat sa medyo mabisang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19 sa rehiyong ito.

Noong unang hati ng taong ito, umabot sa 2.09 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at ASEAN, at ito ay lumaki ng 5.6%. Ang nasabing datos ay katumbas ng 14.7% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.

Salin: Vera