Myanmar, patatagalin pa ang pagpapatupad ng mga restriksyon sa harap ng COVID-19

(GMT+08:00) 2020-07-14 14:28:14       CRI2020-07-14 14:28:15

Isinapubliko kagabi, Lunes, ika-13 ng Hulyo 2020, ng pamahalaan ng Myanmar, na mananatiling ipapatupad hanggang huling araw ng buwang ito ang mga hakbangin ng restriksyon bilang pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa dating iskedyul, nakatakdang matapos ang mga hakbangin ng restriksyon bukas, ika-15 ng buwang ito. Ito ang ika-6 na beses na ekstensyon ng pamahalaan ng Myanmar ng naturang mga hakbangin.

Hanggang sa kasalukuyan, naitala sa Myanmar ang 336 na kumpirmadong kaso ng COVID-19. Kabilang dito, 6 ang nasawi, at 261 naman ang gumaling na.

Salin: Liu Kai