Puhunang dayuhan sa Tsina, mas mabuti ang paggamit kaysa pagtaya sa unang kalahating taon

(GMT+08:00) 2020-07-17 16:34:45       CRI2020-07-17 16:34:46

Mas mabuti kaysa pagtaya ang aktuwal na paggamit ng mga puhunang dayuhan sa buong Tsina noong unang hati ng taong ito. Mabuti at matatag ang pananalig ng mga mamumuhunang dayuhan, ayon sa estadistika na isinapubliko nitong Hulyo 16, 2020, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.

Sinabi ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ayon sa estadistika, aktuwal na ginamit mula Enero hanggang Hunyo sa buong bansa ang mahigit 472 bilyong yuan RMB na puhunang dayuhan, na bumaba ng 1.3% year on year. Ang pagbaba ay mas kaunti kaysa bilang noong unang kuwarter ng taong ito.

Samantala, namuhunan mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito ang Tsina sa 159 bansa at rehiyon ng buong daigdig, na nagkakahalaga ng mahigit 362 bilyong RMB na bumaba ng 0.7% year on year. Kabilang dito, mabilis ang paglaki ng pamumuhunan ng Tsina sa mga bansa ng Belt at Road.

Salin:Sarah