Pagpasok sa bansa ng mga scheduled flights ng Malaysia at Indonesia, ipagbabawal ng Cambodia

(GMT+08:00) 2020-07-27 10:53:06       CRI2020-07-27 10:53:07

Ayon sa nalagdaang ulat ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, mula unang araw ng darating na Agosto, ipagbabawal ang pagpasok sa bansa ng mga scheduled flights mula sa Malaysia at Indonesia.

Ang nasabing ulat ay isinumite ni Morm Bunheng, Ministro ng Kalusugan ng Cambodia.

Layon nitong mabisang pigilin ang panganib ng pagpasok sa bansa ng epidemiya mula ibang lugar at pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Hanggang noong Hulyo 25, 225 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cambodia.

Salin: Lito