100 araw na countdown bago magbukas ang ika-3 CIIE: mga kompanya ng iba't ibang bansa, aktibong sumasali

(GMT+08:00) 2020-07-27 15:37:13       CRI2020-07-27 15:37:14

Ngayong araw, Lunes, Hulyo 27, 2020 ay ika-100 araw na countdown bago magbukas ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE).

Sa kasalukuyan, matatag at maayos na sumusulong ang iba't ibang gawaing preparatoryo, at umabot na sa parehong lebel ang bilang ng mga top 500 enterprises at namumukod na kompanya sa daigdig na sasali rito.

Samantala, 360,000 metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng binabalak na pagtatanghal ng mga bahay-kalakal sa ika-3 CIIE.

Ito ay 20% mas malaki kumpara sa binalak na saklaw ng pagtatanghal noong nagdaang ekspo.

Sa kasalukuyan, pawang lumapas na sa inaasahang saklaw ang mga aktuwal signataryong magtatanghal sa mga sona ng consumer products, produktong medikal at kalakalan ng serbisyo.

Salin: Vera