Tangka ng ilang politikong Amerikano na guluhin ang SCS, tiyak na mabibigo

(GMT+08:00) 2020-07-27 10:13:39       CRI2020-07-27 10:13:40

Ayon sa datos ng kalakalan mula noong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang siya nang pinakamalaking trading partner ng Tsina, bagay na nagpapakita ng malakas na pleksibilidad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.

Ngunit sa pamamagitan ng isyu ng South China Sea (SCS), pilit sinisira ng ilang politikong Amerikano ang relasyong Sino-ASEAN.

Ang malalim na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig ay nagpapatunay na binabalewala ng iba't-ibang bansang ASEAN ang "teorya ng pagkalas sa Tsina," at bagkus, kasalukuyang ibayo pang sumusulong ang koneksyong Sino-ASEAN.

Salin: Lito