Ipinahayag nitong Martes, Hulyo 28, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kaniyang panawagan na magsilbi ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) bilang bagong plataporma ng pagpapasulong sa komong kaunlaran ng mga kasapi, at pagtatatag ng community with a shared future for mankind.
Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-5 taunang pulong ng AIIB, sa pamamagitan ng video link.
Saad ni Xi, dapat itatag ang AIIB bilang bagong uri ng multilateral development bank na makakapagpasulong sa komong kaunlaran ng buong mundo, bagong uri ng development platform na uunlad kasabay ng galaw ng panahon, bagong institusyon ng pandaigdigang kooperasyon, at bagong modelo ng multilateral na kooperasyon.
Tinukoy niyang ang paraan ng paglaban ng buong mundo sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagpapakitang ang sangkatauhan ay komunidad na may komong kapalaran, at ang pagsuporta sa isa't isa, pagkakaisa at pagtutulungan ay tumpak na landas ng pagtalo ng krisis.
Patuloy na magpupunyagi ang Tsina, kasama ng iba't ibang kasapi, para suportahan at kompletuhin ang AIIB, at gawin ang mas malaking ambag para sa pagharap ng komunidad ng daigdig sa mga panganib at hamon, at pagsasakatuparan ng komong kaunlaran, dagdag ni Xi.
Opisyal na inilunsad ang AIIB noong Enero ng 2016, sa ilalim ng mungkahi ni Pangulong Xi noong katapusan ng 2013.
Layon ng AIIB na paunlarin ang imprastruktura at konektibidad sa Asya, at palalimin ang kooperasyong panrehiyon para sa may pinagbabahaginang pag-unlad, ani Xi.
Hanggang sa kasalukuyan, tumaas na sa 102 ang bilang ng mga kasapi ng AIIB, mula 57 sa simula ng pagtatatag nito.
Salin: Vera