Bagong gabinete ng Singapore, nanumpa sa tungkulin

(GMT+08:00) 2020-07-28 14:12:38       CRI2020-07-28 14:12:39

Sa pamumuno ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, nanumpa sa tungkulin nitong Lunes ng gabi, Hulyo 27, 2020 ang bagong gabinete ng bansang ito.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Lee na puspusang magpupunyagi siya at ang bagong gabinete para tulungan ang mga mamamayan sa paglutas sa kanilang mga kahirapan sa pamumuhay, at mapa-ahon ang pambansang kabuhayan sa pinakamadaling panahon.

Noong Hulyo 25, isinapubliko ni Lee ang listahan ng mga miyembro ng bagong gabinete. Patuloy siyang manunungkulan bilang Punong Ministro, at si Heng Swee Keat naman ay manunungkulan bilang Pangalawang Punong Ministro.

Salin: Lito