Tsina, muling hinimok ang Kanada na maayos na resolbahin ang kaso ni Meng Wanzhou

(GMT+08:00) 2020-07-29 16:06:54       CRI2020-07-29 16:06:55

Sinabi nitong Martes, Hulyo 28, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na muling hinimok ng panig Tsino ang panig Kanadyano na mataimtim na pakitunguhan ang solemnang paninindigan at pagkabahala ng panig Tsino, at maayos na resolbahin ang kaso ni Meng Wanzhou sa lalong madaling panahon.

Ayon sa ulat, sa pagdinig ng hukuman ng Kanada nitong Lunes, hiniling ng abogado ni Meng na isapubliko ang kaukulang buong dokumento ng intelligence service ng Kanada. Ayon sa nasabing abogado, ang naturang mga dokumento ay magpapatunay ng tangka ng mga awtoridad ng Amerika at Kanada.

Pero tutol ang abogado ng Canadian Attorney General sa pagsasapubliko ng mga dokumento, at pinabulaanan ang anumang tangka, kasama ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika.

Nauna rito, sinabi sa hukuman ng opisyal ng Ministring Panlabas ng Kanada na ang pagsasapubliko ng kabuuang dokumentong ito ay posibleng magpalala sa masamang kalagayan ng relasyon ng Tsina at Kanada, at magsapanganib sa mga mamamayang Kanadyano.

Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na nagharap na ang Tsina ng solemnang representasyon sa panig Kanadyano. Aniya, ang kaso ni Meng Wanzhou ay seryosong insidenteng pulitikal.

Salin: Vera