Konstruksyon ng mga proyektong pangkooperasyong ng Tsina at Pilipinas, mahigit 80% nang napanukbalik

(GMT+08:00) 2020-08-02 14:42:51       CRI2020-08-02 14:42:52

Konstruksyon ng mga proyektong pangkooperasyong ng Tsina at Pilipinas, mahigit 80% nang napanukbalik

Sa isang video conference, isiniwalat ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na balik-konstruksyon na ang higit 80% ng mga proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas.

Sa kanyang pakikipag-usap Hulyo 31, 2020 kay Mark A. Villar, Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ipinahayag ni Huang ang taos-pusong pasasalamat sa panig Pilipino sa pagpapasulong ng mga proyektong pampamahalaan ng Tsina at Pilipinas.

Sinabi ng embahador na dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ibayo pang lumakas ang pakikipaglitan ng grupong pang-ekonomiya ng Pilipinas sa Chinese Embassy.

Umaasa si Huang, na sa ilalim ng Belt and Road Initiative at "Build, Build, Build" program, magkakaroon pa ng mas maraming proyektong itatatag sa malapit na hinaharap.

Ayon naman kay Kalihim Villar, maayos ang lagay ng mga proyektong pangkooperasyong na pinamamahalaan ng DPWH.

Gustung-gusto aniya ng Pilipinas na maipagpatuloy ang mahigpit na pakikipagpalitan sa panig Tsino para makapagbigay ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayang Pilipino.

Kasalukuyang pinamamahalaan ng DPWH ang konstruksyon ng 14 na proyektong pangkoopersyon: 3 sa mga ito ay natapos na, samantalang 11 iba pa ay nasa estado ng konstruksyon.

Kabilang dito, ang Estrella-Pantaleon Bridge (nakatakdang matapos sa Disyembre 2020), na mag-uugnay sa Makati at Mandaluyong.

Samantala, ang Binondo-Intramuros Bridge sa Manila ay nakatakda namang matapos sa Marso 2021.

Salin: Sissi
Pulido: Rhio Zablan