Sinabi nitong Martes, Agosto 4, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa'y dapat ilagay ng panig Tsino't Indiano ang isyu ng hanggahan sa angkop na posisyon ng bilateral na relasyon, at iwasang maging sagupaan ng pagkakaiba ng paninindigan hinggil dito.
Tinukoy ni Wang na bilang dalawang pinakamalaking umuunlad na bansa at bagong sibol na ekonomiya sa daigdig, ang pagpapalakas ng Tsina at India ng pagkakaisa at kooperasyon ay hindi lamang makakapagpatingkad ng malaking lakas-panulak para sa sariling pag-unlad ng dalawang bansa, kundi makakapagdagdag din ng katatagan at positibong puwersa sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.
Diin niya, umaasang magsisikap ang panig Indiano, kasama ng panig Tsino, upang magkasamang pangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng bilateral na relasyon, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Vera