Positibong atityud ng Pilipinas sa Tsina, nagpapakita ng komong mithiin tungo sa kapayapaan at kaunlaran

(GMT+08:00) 2020-08-06 11:14:26       CRI2020-08-06 11:14:27

Ipinahayag kamakailan ni Delfin Lorenzana, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas, na alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi lalahok ang Pilipinas sa ensayong militar ng ibang bansa sa South China Sea (SCS).

Ito aniya ay para maiwasan ang paglala ng maigting na situwasyon sa karagatang ito.

Sinabi ni Lorenzana, na palagiang iginigiit ng Pilipinas ang paglutas sa kaukulang hidwaan sa mapayapang paraan, at inaasahan ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyon sa Tsina.

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang posisyong ito ng panig Pilipino ay muling nagpapakita ng pagtahak ng Pilipinas sa landas ng nagsasariling patakarang panlabas.

Ipinakikita rin nito aniya ang komong hangarin ng mga bansa sa rehiyong ito sa paghahanap ng kapayapaan at pagpapasulong ng kaunlaran.

Diin ni Wang, tinatangka ng ilang bansa sa labas ng rehiyong ito na guluhin ang situwasyon sa South China Sea at likhain ang tensyon.

Hindi makakatanggap ng pagkatig ang mithiing ito mula sa mga bansa ng timogsilangang Asya,dahil ito ay taliwas sa kanilang mithiin, aniya pa.

Salin: Lito