SCS, hindi dapat maging arena ng pulitikang pandaigdig — Wang Yi

(GMT+08:00) 2020-08-06 11:18:30       CRI2020-08-06 11:18:31

Sa isang panayam nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang South China Sea ay komong lugar na tinubuan ng mga bansa sa rehiyong ito, at hindi ito dapat maging arena ng pulitikang pandaigdig.

Sinabi ni Wang na base sa katotohanan, ang paglutas sa hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo ang siyang pinakamabuting paraan.

Ito aniya ay angkop sa kapakanan ng mga bansa sa rehiyong ito, at ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa naturang karagatan ay komong tungkulin ng mga bansa sa timogsilangang Asya.

Saad pa niya, ang mga kilos ng Amerika sa South China Sea nitong ilang araw na nakalipas ay naglalayong guluhin ang situwasyon doon, puwersahin ang mga bansa sa rehiyong ito na piliin ang panig ng Amerika, at palingkuran ang pulitikang panloob at geostrategy ng Amerika.

Dagdag ni Wang, dapat ibayo pang matyagan ng mga bansa sa rehiyon ang mga pangyayari mahdalangan ang paninira ng panig Amerikano sa di-madaling nakamtang bungang pangkapayapaan at pangkaunlaran.

Salin: Lito