Tulad ng dati, welkam na pumasok sa Tsina ang mga kompanya mula sa iba't ibang bansang kinabibilangan ng Europa. Matatag na palalalimin at palalawakin ng Tsina ang pagbubukas, upang sa gayon ay maipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pag-unlad para sa negosyo ng mga kumpanyang dayuhan.
Ito ang ipinahayag, Agosto 5, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Joerg Wuttke, Presidente ng European Union Chamber of Commerce sa Tsina, na bagaman naapektuhan ng pandemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang negosyo ng Unyong Europeo (EU) sa Tsina, mabunga ang mga hakbangin ng Tsina sa paglaban sa COVID-19.
Mayroon aniyang lubos na kompiyansa ang mga kumpanya ng EU sa prospek ng pag-unlad sa Tsina, at nais nilang maging bahagi ng kuwento ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Ayon sa ulat ng imbestigayon na ipinalabas noong Hunyo ng European Union Chamber of Commerce in China, ang Tsina ay nananatiling isa sa top 3 destinasyon ng pamumuhunan ng mga kompanya ng EU.
Salin:Sarah