Pangulong Tsino, binati si Andrzej Duda sa pagpapatuloy ng termino bilang pangulo ng Poland

(GMT+08:00) 2020-08-07 15:47:17       CRI2020-08-07 15:47:18

Huwebes, Agosto 6, 2020, nagpadala ng mesahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Andrzej Duda, para batiin ang pagpapatuloy ng kanyang termino bilang pangulo ng Poland.

Saad ni Xi, nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkasamang pagpapahalaga at pagpapasulong ng kapuwa panig, itinatag ng Tsina at Poland ang komprehensibo't estratehikong partnership, at mabungang mabunga ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Sa harap ng hamong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nakikipagtulungan sa isa't isa ang mga mamamayan ng dalawang bansa, bagay na nagpapakita ng magandang pagkakaibigan.

Dagdag ni Xi, pinahahalagahan niya ang tradisyonal na pagkakaibigan at pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Duda, para mapasulong ang walang humpay na pag-a-upgrade ng bilateral na relasyon, at makapagpahatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

Salin: Vera