Xi Jinping: pasulungin ang relasyong Sino-Singaporean sa mas mataas na antas

(GMT+08:00) 2020-08-09 08:11:55       CRI2020-08-09 08:11:56

Ipinadala ngayong araw, Linggo, ika-9 ng Agosto 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Pangulong Halimah Yacob ng Singapore, bilang pagbati sa ika-55 Pambansang Araw ng Singapore.

Sa mensahe, ipinahayag ni Xi ang paghanga sa pagtahak ng Singapore sa landas ng pag-unlad na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa, at walang humpay na pagtatamo ng tagumpay sa iba't ibang suliraning pang-estado.

Binigyan din niya ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Singaporean, kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto, mga natamong bunga sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Belt and Road, at pagkakaisa at pagtutulungan sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dapat pasulungin ng Tsina at Singapore ang bilateral na relasyon sa mas mataas na antas, dagdag pa ni Xi.

Nang araw ring iyon, magkahiwalay ding ipinadala nina Premyer Li Keqiang, at Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga mensahe kina Punong Ministro Lee Hsien Loong at Ministrong Panlabas Vivian Balakrishnan ng Singapore bilang pagbati sa ika-55 Pambansang Araw ng kanilang bansa.

Salin: Liu Kai