130 ventilator na bigay ng pamahalaang Tsino, dumating sa Manila

(GMT+08:00) 2020-08-11 15:30:08       CRI2020-08-11 15:30:09

130 ventilator na bigay ng pamahalaang Tsino, dumating sa Manila

Dumating sa Manila, ika-7 ng Agosto ang ika-3 batch ng 50 ventilator na ibinigay ng pamahalaang Tsino.

Ito rin ang huling batch na kabilang sa 130 ventilator na libreng ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas.

Nauna rito, magkahiwalay na ini-turn-over ang dalawa pang batch na 30 at 50 ventilator noong Abril at Hunyo.

Umaasa ang panig Tsino na maipamimigay ng pamahalaang Pilipino ang mga ito sa iba't ibang institusyong medikal ng bansa sa lalong madaling panahon para makapagbigay-tulong sa paglaban ng mga mamamayang Pilipino sa epidemiya ng Novel Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

130 ventilator na bigay ng pamahalaang Tsino, dumating sa Manila

Ulat: Sissi
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas