Lianhua Qingwen Capsule, aprubado ng FDA bilang kauna-unahang TCM sa Pilipinas; Embahadang Tsino, ikinagagalak ang pagkaka-aproba

(GMT+08:00) 2020-08-13 14:23:58       CRI2020-08-13 14:23:59

Lianhua Qingwen Capsule, aprubado ng FDA bilang kauna-unahang TCM sa Pilipinas; Embahadang Tsino, ikinagagalak ang pagkaka-aproba

"Ikinagagalak na malaman ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang gamot na Lianhua Qingwen Capsule ng Tsina bilang kauna-unahang rehistradong Traditional Chinese Medicine (TCM) sa Pilipinas."

Ito ang ipinahayag Agosto 12, 2020 ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas.

Ang nasabing gamot ay gawa ng Shijiazhuang Yiling Pharmaceutical Co. Ltd., at ito ay isang uri ng gamot na aprubado ng National Medical Products Administration ng Tsina para sa mga banayad at katamtamang kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Bukod sa Pilipinas, ang nasabing gamot ay naaprobahan na rin sa Hong Kong at Macao ng Tsina, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore at Laos.

Umaasa ang Embahadang Tsino na ang Lianhua Qingwen Capsule ay makakatulong sa paglaban ng Pilipinas sa pagkalat ng epidemiya ng COVID-19 at paglunas sa mga Pilipinong nahawahan ng sakit.

Ulat: Ernest
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas