Isang milyong Piso at ilang Personal Protective Equipment (PPE) sa mga medical front liners ng Pilipinas ang ibinigay ngayong araw, ika-14 ng Agosto, 2020 ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, bilang pasasalamat at pagkatig sa kanilang malaking sakripisyo sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang pakikipagtagpo sa kinatawan ng mga medical front liner, ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas ang kanyang pag-asa na mananatiling ligtas at malusog silang lahat.
Ani Huang, nakahanda ang Embahadang Tsino na ipagpatuloy ang pagkatig at pagtulong sa Pilipinas hangga't makakaya. "Naniniwala kaming malapit na ang tagumpay," dagdag pa ni Huang.
Bukod dito, magkakasunod ding namigay ng mga medical surgery mask at PPE ang Embahadang Tsino sa ilang ospital tulad ng Makati Medical Center at St Luke's Medical Center.
Ulat: Sissi
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas