India, malawakang ipoprodyus ang domestic COVID-19 vaccine — Narendra Modi

(GMT+08:00) 2020-08-16 10:32:48       CRI2020-08-16 10:32:49

New Delhi — Ipinahayag nitong Sabado, Agosto 15, 2020 ni Punong Ministro Narendra Modi ng India ang pag-asang mapagtatagumpayan ng bansa ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pinakamadaling panahon.

Sinabi niya na malawakang ipoprodyus ng India ang domestic COVID-19 vaccine. Handa na ang mga imprastruktura ng bansa sa paggawa ng mga bakuna, diin pa niya.

Hanggang Agosto 15, lumampas na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, at halos 50 libo ang namatay dahil sa epidemiya.

Salin: Lito