Tunguhin ng pagdami ng marahas na insidente ng baril sa New York City, patuloy pa

(GMT+08:00) 2020-08-16 10:34:20       CRI2020-08-16 10:34:21

Ayon sa "New York Daily News," patuloy pa ang tunguhin ng paglaki ng bilang ng mga marahas na insidente ng baril sa New York City. Noong nagdaang Sabado at Linggo, di-kukulangin sa 36 katao ang kasangkot sa insidente ng pamamaril na ikinamatay ng 2 katao.

Mabataid na nitong 4 na linggong nakalipas, lumaki ng halos 3 beses ang bilang ng pamamaril sa nasabing lunsod kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

Salin: Lito