Johns Hopkins University: lampas sa 170,000, pumanaw sa COVID-19 sa Amerika

(GMT+08:00) 2020-08-17 16:02:24       CRI2020-08-17 16:02:25

Ayon sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University nitong Linggo, Agosto 16, 2020, hanggang 18:27H Eastern Standard Time ng Amerika, umabot na sa 5,401,167 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, samantalang, 170,019 naman ang mga pumanaw.

Mabilis pa ring tumataas ang mga kumpirmadong kaso at pumapanaw dahil sa COVID-19 sa Amerika.

Sa loob ng 10 araw lamang, tumaas sa 170,000 ang mga pumanaw sa buong bansa, mula 160,000.

Dagda pa riyan, lampas sa 510,000 ang naitalang mga bagong kumpirmadong kaso.

Salin: Vera