Telephone service, naisaoperasyon sa pagitan ng Israel at UAE

(GMT+08:00) 2020-08-17 15:55:49       CRI2020-08-17 15:55:50

Matapos maisaoperasyon nitong Linggo, Agosto 16, 2020 ang telephone service sa pagitan ng Israel at United Arab Emirates (UAE), nag-usap sa telepono ang mga Ministrong Panlabas ng dalawang bansa.

Ayon sa ulat ng Israeli media, ito ang kauna-unahang pag-uusap sa telepono sa pagitan ng Israel at UAE sapul noong taong 1971.

Sa ngayon, puwede nang direktang tumawag ang mga fixed at mobile phones sa pagitan ng dalawang bansa.

Salin: Lito