Kaugnay ng mas pinalawig na ban ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika sa Huawei, sinabi nitong Martes, Agosto 18, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang iwasto ang pagkakamali nito, itigil ang paninira sa Tsina at panggigipit sa mga kompanyang Tsino.
Saad ni Zhao, patuloy na isasagawa ng pamahalaang Tsino ang kinakailangang hakbangin, upang mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino.
Tinukoy niyang binatikos ng panig Amerikano ang Huawei na nagsasapanganib sa pambansang seguridad ng Amerika. Pero sa katunayan, nitong nakalipas na 30 taon, itinatag ng Huawei ang mahigit 1,500 network sa mahigit 170 bansa't rehiyon, nagkaloob ng serbisyo sa 228 sa top 5000 enterprises ng daigdig, at naglingkod sa mahigit 3 bilyong populasyon sa buong mundo. Kabilang dito, walang anumang naganap na insidente ng paglabag sa cyber security o aksyon ng network monitoring, at walang anumang ebidensya ang nagpapakitang may backdoor ang mga produkto ng Huawei.
Salin: Vera