Bumalik sa mahigit 1 milyon, bilang ng mga taong nag-aplay ng unemployment benefits sa kauna-unahang pagkakataon sa Amerika

(GMT+08:00) 2020-08-21 14:17:17       CRI2020-08-21 14:17:18

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Huwebes, Agosto 20, 2020 ng Department of Labor ng Amerika, noong nagdaang linggo hanggang Agosto 15, bumalik na sa mahigit 1 milyon ang bilang ng mga taong nag-aplay ng unemployment benefits sa kauna-unahang pagkakataon sa Amerika, at ito ay tumaas ng 135,000 kumpara noong nagdaang dalawang linggo.

Ipinalalagay ng tagapag-analisa na ang muling pagtaas ng nasabing datos pagkaraan ng pagbaba nitong nakalipas na ilang linggong singkad ay nagpapakitang mananatiling mahirap pa rin ang pagbangon ng pamilihan ng hanap-buhay ng bansa.

Sa kasalukuyan, lampas na sa 10 libo ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmado kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) bawat araw sa Amerika, at nagpapatuloy ang epekto nito sa kabuhayang Amerikano, lalong lalo na, napakalaki ng impakt sa industriya ng pagkain at inumin, turismo at industrya ng paglilibang.

Salin: Vera