Istana, palasyong pampanguluhan ng Singapore—Kinatagpo nitong Huwebes, Agosto 20, 2020 ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore si Yang Jiechi, dumadalaw na Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Saad ni Yang sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang dalawang bansa, para igarantiya ang katatagan at kaalwan ng industry chain at supply chain, at kapansin-pansin ang mga tampok ng kooperasyon ng kapuwa panig kontra pandemiya.
Ani Yang, nakahanda ang panig Tsino na makikapit-bisig sa Singapore at iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), upang mapalalim ang estratehikong pagtitiwalaan at pragmatikong kooperasyon, magkakasamang pangalagaan ang globalisasyong pangkabuhayan, pangalagaan ang katwiran at katarungan ng daigdig, at gawin ang bagong ambago para sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.
Nagpahayag naman si Lee ng kahandaang pahigpitin ang pakikipagpalitan sa panig Tsino sa mataas na antas, lubos na gamitin ang mekanismo ng bilateral na kooperasyon, pasulungin ang pag-unlad ng relasyong ASEAN-Sino, at magkasamang pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan ng rehiyon at buong mundo.
Salin: Vera