Bakuna ng Tsina laban sa COVID-19, unang ipagkakaloob sa mga bansa sa Ilog Mekong makaraan itong masubok-yari

(GMT+08:00) 2020-08-24 11:33:18       CRI2020-08-24 11:33:19

Sa kanyang pagdalo sa Ika-3 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na idinaos sa Beijing Lunes, Agosto 24, 2020, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa ilalim ng balangkas ng espesyal na pondo ng LMC, itatatag ng panig Tsino ang espesyal na pondo ng pampublikong kalusugan para patuloy na magkaloob sa abot ng makakaya, ng material na suporta at teknika sa mga bansa sa kahabaan ng Mekong River.

Aniya, makaraang matagumpay na masubok-yari at gamitin ng Tsina, mauunang ipagkakaloob ang bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga bansa sa Ilog Mekong.

Diin pa niya, kasama ng ibat-ibang bansa sa Mekong River, nakahanda ang Tsina na suportahan ang pagpapatingkad ng World Health Organization (WHO) ng mas mabuting papel sa usapin ng pakikibaka laban sa pandemiya.

Salin: Lito