LMC, dapat makipag-ugnayan sa "New International Land-Sea Trade Corridor" — Li Keqiang

(GMT+08:00) 2020-08-24 11:32:21       CRI2020-08-24 11:32:22

Sa kanyang pagdalo sa Ika-3 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na idinaos sa Beijing Lunes, Agosto 24, 2020, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ngayon ay panahon ng pag-usbong ng "New International Land-Sea Trade Corridor" sa gawing kanluran ng Tsina.

Ito aniya ay nakikipagkooperasyon sa Timogsilangang Asya at Eurasia, kaya naman, namumukod ang bisa ng rehiyonal na konektibidad.

Iminungkahi ni Premyer Li na dapat makipag-ugnayan ang LMC sa "New International Land-Sea Trade Corridor" para ibayo pang mapaginhawa ang tsanel na pangkalakalan.

Bukod dito, dapat aniyang isaayos ang yaman at puwersa ng dakong kanluran at timog kanluran ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para maisakatuparan ang mas malaking laang-gugulin sa mga bansa sa kahabaan ng Mekong River at mapasulong ang koordinadong pag-unlad.

Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng 5 bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong para mapasigla ang pag-unlad ng rehiyong ito.

Salin: Lito