Cloud dialogue ng mga personalidad mula sa Showbiz sa loob at labas ng Tsina ginanap sa Ika-10 BJIFF

(GMT+08:00) 2020-08-25 18:26:31       CRI2020-08-25 18:26:32

Cloud dialogue ng mga personalidad mula sa Showbiz sa loob at labas ng Tsina ginanap sa Ika-10 BJIFF

Sa panahon ng ginaganap na Ika-10 Beijing International Film Festival (BJIFF), idinaos Agosto 24, 2020, ang Porum sa Kooperasyong Tsino at dayuhan sa Pelikula.

Isinagawa ang "diyalogo sa cloud" sa pamamagitan ng virtual platform na nilahukan ng mga tauhan mula sa industriya ng pelikula ng Tsina at iba't ibang bansa. Tinalakay at ibinahagi nila ang kaalaman sa mga temang kinabibilangan ng kooperasyon sa filmmaking ng Tsina at ibang bansa, modelo ng lokalisasyon at internasyonalisasyon, bagong paraan ng paggawa ng pelikula sa era ng post-epidemic at iba pa.

Salin:Sarah