172 bansa't rehiyon, lumahok sa global supply plan ng COVID-19 vaccine

(GMT+08:00) 2020-08-25 14:17:22       CRI2020-08-25 14:17:23

Ipinahayag nitong Lunes, Agosto 24, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na sa kasalukuyan, 172 bansa't rehiyon ang lumahok sa global supply plan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccine. Hangrin ng planong ito na bago dumating ang katapusan ng 2021, patas na ipamimigay ang di-kukulangin sa 2 bilyong epektibong bakuna sa buong daigdig.

Samantala, nanawagan siya sa iba't-ibang bansa na aktibong lahukan ang planong ito. Aniya, ang pagbabahagi ng mga bakuna sa ilalim ng koordinasyong pandaigdig, ay angkop sa kapakanan ng lahat ng bansa't rehiyon.

Salin: Lito