Atityud ng panig Tsino sa kooperasyon sa yamang tubig, bukas at malinaw — Zhao Lijian

(GMT+08:00) 2020-08-26 10:24:34       CRI2020-08-26 10:24:35

Sa pamamagitan ng video link, idinaos noong Agosto 24, 2020 ang Ika-3 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na magkasamang pinanguluhan nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos, LMC Co-Chair.

Inilabas sa pulong ng iba't-ibang kalahok na panig ang "Deklarasyon ng Vientiane tungkol sa Ika-3 LMC Leaders' Meeting" kung saan idineklara nilang palalakasin ang kanilang partnership ng kooperasyong pampulitika at panseguridad, kooperasyon sa kabuhayan at sustenableng pag-unlad, pagpapalitang pangkultura at panlipunan, at mekanismo ng LMC.

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Agosto 25, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinatalastas ng panig Tsino na mula ngayong taon, ibabahagi ng Tsina sa 5 bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong ang hydrological information sa buong taon. Ito aniya ay muling nagpapakita ng bukas at malinaw na atityud ng panig Tsino sa pakikipagkooperasyon sa mga kaukulang bansa sa yamang tubig.

Salin: Lito