Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Huwebes, Agosto 27, 2020 ang Ika-8 Pulong na Ministeriyal ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa isang magkakasanib na pahayag na isinapubliko pagkatapos ng pulong, ipinahayag nito na mapapatingkad ng RCEP ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng pag-ahon, at pagpapanatili ng matatag na pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing pulong ay magkasamang pinanguluhan ng Biyetnam, kasalukuyang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at New Zealand, bansang tagapagkoordina at di-kasaping bansa ng RCEP. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa 10 bansang ASEAN, at Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, at Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Salin: Lito