Mahigit 33 bilyong yuan na mga proyekto, nilagdaan sa Ika-10 BJIFF

(GMT+08:00) 2020-08-29 16:16:59       CRI2020-08-29 16:17:00

Sa collective signing ceremony ng Ika-10 Beijing International Film Festival (BJIFF) na idinaos kahapon, Biyernes, ika-28 ng Agosto 2020, nilagdaan ang mahigit 100 proyektong nagkakahalaga ng mahigit 33 bilyong yuan RMB. Halos 7% ang itinaas ng halagang ito kumpara noong nagdaang taon, at lumikha ng bagong record high sa kasaysayan ng pestibal.

Ang naturang mga proyekto ay sumasaklaw sa iba't ibang sektor ng industriya ng pelikula, na gaya ng paggawa ng mga pelikula, konstruksyon ng mga sinehan, konstruksyon ng mga base ng paggawa ng pelikula, pangangalap ng pondo para sa paggawa ng mga pelikula, paghubog ng mga batang film maker, at iba pa.

Salin: Liu Kai