Tsina, positibo ang pagtasa sa ginawang ambag ni Shinzo Abe para sa relasyong Sino-Hapones

(GMT+08:00) 2020-08-29 16:15:22       CRI2020-08-29 16:15:23

Kaugnay ng pagbitiw sa tungkulin ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon dahil sa masamang kalagayan ng kalusugan, ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-29 ng Agosto 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang positibong pagtasa ng kanyang bansa sa ginawang ambag ni Abe para sa pagbalik ng relasyong Sino-Hapones sa tamang landas, at pagtamo ng bagong progreso.

Ini-abot din ni Zhao ang mabuting hangaring gagaling sa lalong madaling panahon si Abe.

Dagdag ni Zhao, nakahanda ang Tsina, kasama ng Hapon, na patuloy na sundin ang mga prinsipyo at diwang nakasaad sa apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, walang humpay na palalimin ang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pasulungin ang tuluy-tuloy na pagbuti at pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones.

Salin: Liu Kai