Amerika, nasa maling panig ng kasaysayan — Wang Yi

(GMT+08:00) 2020-08-31 14:19:59       CRI2020-08-31 14:20:00

Sa kanyang talumpating binigkas nitong Linggo, Agosto 30, 2020 (local time) sa Instituto ng Pananaliksik sa Relasyong Pandaigdig ng Pransya, ipinahayag ni Wang na ayaw ilunsad ng Tsina ang "New Cold War" laban sa sinuman.

Aniya, sa siglo ng globalisasyon, magkakarugtong ang iba't-ibang bansa na nagsisilbi bilang komunidad ng binagbabahaginang kapakanan.

Kaya, dapat magkakasama aniyang itatag sa hinaharap ang Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan na itinataguyod ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sinabi ni Wang na ang alitan o kontradiksyon sa pagitan ng Tsina at Amerika ay may kaugnayan sa paggigiit ng multilateralismo o unilateralismo, at pagtataguyod ng kooperasyon para sa win-win result o "zero-sun game."

Ito aniya ang substanya ng kasalukuyang kinakaharap na problema ng relasyong Sino-Amerikano.

Nasa maling panig ngayon ang Amerika, dagdag pa ni Wang.

Salin: Lito