Ayon sa opisyal na datos na inilabas kahapon, Lunes, ika-31 ng Agosto 2020, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, 51 ang manufacturing purchasing managers' index (PMI) ng Tsina noong Agosto. Ang indeks na ito ay nasa positibong bahagdan nitong nakalipas na 6 na buwang singkad, at ito ay palatandaang patuloy na bumabangon ang kabuhayang Tsino.
Ipinahayag din ng nabanggit na kawanihan, na noong Agosto, patuloy na lumaki ang kapwa suplay at pangangailangan, at ibayo pang lumakas ang tunguhin ng pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai