Mga dating mataas na opisyal ng maraming bansa, nanawagan para sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya

(GMT+08:00) 2020-09-03 15:30:34       CRI2020-09-03 15:30:35

Sa pamamagitan ng video link, ginanap nitong Lunes, Agosto 31, 2020 ang cloud forum ng mga international top think tank.

Ang nasabing forum na may temang "Pagsasa-isang-tabi ng Pagkakaibang Ideolohikal, Magkasamang Pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kinabukasan ng Sangkatauhan" ay itinaguyod ng Alyansa ng Kooperasyon ng mga Think Tank ng Belt and Road.

Nanawagan ang mga kalahok na dating mataas na opisyal ng maraming bansa at mga kilalang dalubhasa't iskolar sa loob at labas ng Tsina na pahigpitin ang kooperasyong pandaigdig.

Pinuna rin ng mga kalahok na dalubhasa ang umano'y pagkakaibang ideolohikal na pinapalaganap ng ilang politikong kanluranin at pagpapabaya nila sa kooperasyong pandaigdig.

Ipinalalagay nilang sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dapat magkakapit-bisig na magtulungan ang buong mundo, upang magkasamang harapin ang pandaigdigang krisis.

Salin: Vera