WHO, isasagawa ang mahigpit na pagsusuri sa bisa at kaligtasan ng COVID-19 vaccine

(GMT+08:00) 2020-09-05 10:39:07       CRI2020-09-05 10:39:08

Kasunod ng patuloy na pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lubos na inaasahan ng iba't-ibang bansa na makukuha ang bakuna sa pinakamadaling panahon upang makontrol ang epidemiya.

Ipinahayag nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020 ni Margaret Harris, Tagapagsalita ng World Health Organization (WHO), na sa mga bakunang nakapasok sa clinical trail, wala pang nakikitang "malinaw na signal" sa anumang bakuna na umabot sa pamantayan.

Aniya, kailangan pang isagawa ng mga siyentista ang komprehensibong paghahambing sa lahat ng bakuna.

Salin: Lito